EXCITED na ang fans ng Gold Squad team sa susunod nilang proyekto sa ABS-CBN.
Ang grupo ay binubuo nina Andrea Brillantes, Seth Fedelin, Kyle Echarri at Francine Diaz. Sa grand finale presscon ng kanilang afternoon series na Kadenang Ginto, wish nilang sila pa rin ang magkakasama sa susunod nilang teleserye sa Kapamilya network.
“Sana po meron. Hinihiling po naming apat ‘yun. Sa ngayon po, hindi pa po sa amin sinasabi,” sabi ni Seth.
Sang-ayon si Andrea sa sinabi ni Seth, “Wala rin naman po sa amin ang desisyon. Pero kung meron po, sobrang magpapasalamat kami. Sa ngayon po, dito lang muna kami sa Kadenang Ginto and gusto lang po naming matapos ito nang maayos,” lahad ni Andrea.
Pero si Kyle, pinalakas ang loob ng Gold Squad fans, “Tuloy pa rin po ang GS, sa YouTube channel namin. Gagawin pa rin namin ‘yun kasi we still have many more plans. Kaya abangan ninyo po.”
Say naman ni Francine, “Gaya po ng sinabi nilang tatlo, ‘yung YouTube channel namin patuloy pa rin. Syempre po, gaya po ng sinabi ni Blyght (Andrea). Wala naman po sa amin ang desisyon. Pero kung kami po siyempre gugustuhin namin na magkaroon ulit ng trabaho after ng KG. Pero nagpapasalamat po kami sa inyong lahat kasi simula po nu’ng mabuo ang Gold Squad marami pong dumating na blessing, sa bawat loveteam and sa bawat isa sa amin.”
For sure, nakaipon na si Francine para sa sarili nilang bahay at ‘di na maghahagilap pa kung saan kukuha ng pambayad ng renta gaya dati. Unang natutuwa diyan siyempre si Momshie Melai Cantiveros ng “Magandnag Buhay” na tinulungan si Francine para sa pambayad nila ng kanilang house rent noon.
Pinag-uusapan naman ang finale teaser ng “Kadenang Ginto” na mabilis nag-trending sa social media at humamig ng milyun-milyong views. Tinawag na “Battle of the Dragons” ang pagtatapos ng serye na umere nang higit sa isang taon.
Bukod sa mataas na ratings, nakapagtala rin ng milyun-milyong views sa YouTube ang mga winning episodes ng serye at naging patok din sa netizens dahil sa mga memes nina Dimples Romana at Beauty Gonzales.
Plus, ipinalalabas din ang programa sa Myanmar habang kasalukuyang umeere naman ngayon ang Indonesian adaptation nito.
Huwag palampasin ang pagtatapos ng “Kadenang Ginto” sa Kapamilya Gold ng ABS-CBN this week.
Gold Squad tuloy ang pakilig kahit tapos na ang Kadenang Ginto
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...