Female celeb sawang-sawa na sa pakialamerang kapamilya kaya ‘nagrebelde’

MAY kuwento ang mga dating palaging nakakasama nu’n ng isang magandang female personality. Hindi na bago para sa kanila ang mga isyung kinasasangkutan ng babaeng personalidad.

Kahit daw nu’n ay galit-bati na ang relasyon ng female personality at ng isang kapamilya niyang parang walang nakikitang maganda sa kanya.

Sabi ng isa sa grupong nakakaalam ng mga kuwento, “Nu’n pa, e, ganyan na sila. May time na maayos naman sila, pero bigla na lang magkakaroon ng problema!

“Masyado kasing senstive ang kapamilya ng girl. Kunwari, meron siyang pinirmahang contract na hindi niya agad nasabi sa nakatatanda niyang kapamilya. Ikagagalit na ‘yun sa kanya!

“Kunwari, nu’ng nakabili siya ng condo unit, mabilisan ang mga pangyayari, nagkasundo agad ang girl at ang nagbebenta sa kanya, ikinagalit na naman ‘yun sa kanya ng supposed to be, e, maligaya sana dahil paunti-unti, e, nakapagpupundar na siya!

“Kaya hindi na bago ang mga hanash ngayon nu’ng isang female personality na sayang, hindi pa naman iba sa girl,” unang kuwento ng aming impormante.

‘Yun daw ang dahilan kung bakit mas malapit ang female personality sa kanilang mga kamag-anak. Naiintindihan kasi siya ng mga ito, walang kumokontra sa kanyang mga ginagawa, cool na cool lang sila kapag magkakasama.

Patuloy ng aming source, “Kaya kahit nu’n pa, kapag may bakanteng oras ang girl, e, hindi siya umuuwi. Pumupunta lang siya sa bahay ng mga relatives nila, kasi nga, e, mas relaxed siya kapag nandu’n siya sa bahay ng mga relatives nila!

“Hanggang sa nakabili na nga siya ng condo unit, may sarili na siyang place, mas lalong hindi na siya umuuwi sa bahay ng taong palaging nakakontra sa mga ginagawa niya!

“Okey na siya sa ganu’n, wala nga namang friction between them, hindi na kasi masabayan ang ugali nu’ng isang female personality.

“Para siyang sensitive na parang hinahanapan lang naman siya ng mga mali. Very sensitive sa kanya ‘yung isa kahit wala naman siyang ginagawang masama!

“So, masisisi ba natin ang girl kung bakit siya nagkakaganyan! Dati nang kuwento ang ganyan, sawa na ang girl!” pagtatapos ng aming impormante.

Nakow, Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, alam na this! Kailangan n’yo pa ba naman ng dagdag na clue?

Read more...