HANDA na si Carla Abellana na mag-asawa at bumuo ng sariling pamilya. Alam niyang hindi na rin siya bumabata.
Sey ni Carla, “Matagal na po kami ni Tom (Rodriguez). Matagal na po ang pinagsamahan namin so marami ng tests and trials sa relationship namin.
“Saka napag-iiwananan na ako ng mga ka-age ko! Hindi naman sa pressure but you know, I am of age, thirty three,” pahayag ni Carla nang huling makausap ng press.
Eh, sa totoo lang sa Kapuso series nila ni Tom na Love of My Life, kinikilig pa rin ang viewers sa mga eksenang away-bati lalo na nu’ng simula ng pagkikita nila.
Pilot episode pa lang, marami na ang na-hook Love of my Life, kung saan kasama rin sina Coney Reyes, Rhian Ramos at Mikael Daez. Noong Lunes, tumutok ang mga manonood at netizens sa serye at agad itong naging usap-usapan sa social media! Napasama pa ang hashtag na #LoveOfMyLifeWorldPremiere sa trending list! Base rin sa resulta ng NUTAM TV ratings, panalo ito sa mas nakararaming televiewers at nakapagtala ito ng 8.6%, na mas mataas laban sa katapat na programa.