HALOS sabay ang launching nina Alden Richards at Maine Mendoza para sa bago nilang endorsements.
Kaya hayun, patalbugan na namam ang kampo ng kanilang fans sa social media lalo na sa Twitter. And as usual, ang AlDub uli ang nangunang trending topic kahit magkahiwalay na ang kanilang career, huh!
Si Alden ang bagong mukha ng Superbods campaign na pakulo ng isang canned tuna kasama si Nadine Lustre. Kitang-kita ang pinaghirapang katawan ng Asia’s Multimedia Star sa nasabing commercial – as in nagmumura ang kanyang six-pack abs.
Sa part naman ni Nadine, ang Viva Artists Agency pa rin ang nagsara ng deal na ito kaya wala siyang magiging problema.
Samantala, ang bagong shade ng lipstick mula sa isang international brand ng cosmetics ang pino-promote ngayon ni Maine na talagang pina-trending ng kanyang fans maaga pa lang kahapon.
Trending din ang huling Huwebes ng The Gift ni Alden at siguradong madaling-araw pa lang ngayong Friday ay kinakarir na ng kanyang fans ang pagpapa-trending nito. Asahan ang madamdaming pagtatapos ng The Gift tonight.
By Saturday, siguradong si Maine naman ang papalo sa Twitter dahil mapapanood ang unang guesting niya sa Magpakailanman ni Mel Tiangco. Makakatambal uli niya rito ang Kapuso hunk na si Ruru Madrid.
Sa lahat ng ito, isa lang ang napatunayan namin, sina Alden at Maine pa rin talaga ang King & Queen ng Twitter, huh!