Ang cute-cute ng dyowa ni Kiray Celis na si Stephan Estopia habang sumasayaw ng hit song ni Sarah Geronimo, ang “Tala.”
Actually, pinagbigyan lang ni Stephan si Kiray kaya dance siya ng “Tala.” But it came out very cute.
“Sabi ko, kapalit ng TALA, TOYO KO. HAHAHA. I love you, @stephan.estopia! Kahit di ka marunong sumayaw, ginawa mo parin kasi kung hindi, AAWAYIN TALAGA KITA! HAHAHAHA,” caption ni Kiray sa dance video nila na ginawa sa kanyang kuwarto.
Maganda naman ang reception ng followers ni Kiray. Lahat sila ay na-cute-an kay Stephan.
“Ganda mu nun mang aaway di lang sasayaw.”
“Bravo ang galing mo pala gumiling.”
“Ganto talaga yung true love kahit ayaw nila gawin wala silang choice kasi gusto nila mapasaya ka. Yieeeee.”
“Ang sweet nio naman @kiraycelis @stephan.estopia.”