Tatay nina Yassi at Issa Pressman pumanaw na sa edad 90

SUMAKABILANG-BUHAY na ang ama nina Yassi at Issa Pressman.

Kumplikasyon sanhi ng kantandaan ang sinasabing dahilan ng pagyao ni Ronald Pressman ngayong araw. Siya ay 90 years old.

Ilang araw ding na-confine ang tatay nina Yassi at Issa sa St. Luke’s Medical Center, Bonifacio Global City, Taguig City bago tuluyang namaalam.
Kung matatandaan, nauna nang inatake sa puso si Ronald Pressman noong Peb. 2 ngunit ilang araw lang ay naging maayos din ang kundisyon nito.

Three days ago nga lang ay nag-post pa si Yassi ng isang video sa kanyang Instagram account na kinunan noong birthday celebration ng ama last year.

Sa kanyang IG account naman l, nag-post si Issa ng mensahe para sa yumaong ama. Aniya, “If you met my father, I bet he made you smile or laugh once if not more.

“He was charming, always smiling, and had a great sense of humour.

“He always saw the brighter side of things, no matter the situation.

“No wonder why you lived such a great and long life, you were always so positive.

“You were a happy ball energy Papa.

“Loving you, Your baby.”

Sa mga nakaraang interview ng press kay Yassi palagi niyang nababanggit ang kanyang ama kasabay ng abot-langit na pasasalamat dito sa pagpapalaki at pagtataguyod sa kanila ni Issa nang mag-isa.

Nang mag-guest nga siya noon sa Magandang Buhay ay umiiyak pa nitong ipinangako na aalagaan niya ang ama hanggang sa abot ng kanyang makakaya.

“I’m just going to promise that I will always take care of you, because you’re my Papito, you’re my macho.

“You just promise to be strong always.” Na sinagot naman ng tatay niya ng, “I will. That’s to show my appreciation for your presence. I will, I will, I will.”

Pero nilinaw ni Yassi na okay din ang relasyon nilang magkapatid sa kanilang ina, “Some people are meant to fall in love but are not meant to stay together, and that’s okay… I’m very happy and I still talk to my mom, and she’s okay.”
Nakaburol ngayon ang labi ng tatay nina Yassi at Issa sa Chapel A at B ng Arlington Memorial Chapels sa Araneta Avenue, Quezon City.

Read more...