Gamit sa pagmonitor ng Mayon ninakaw

NINAKAW ang dalawang solar panel na ginagamit ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology sa pagbabantay sa Bulkang Mayon.

Ayon sa Phivolcs ang dalawang solar panel na may kapasidad na 150 watts bawat isa ay kinuha sa kanilang Mayon Resthouse kung saan naroon ang earthquake monitoring, Global Positioning System at tilt meter.

“This was discovered by Mayon Volcano Observatory personnel during their routine inspectionand preventive maintenance service on 05 February 2020,” saad ng Phivolcs.

Dahil sa pagkawala ng nagsusuplay ng kuryente, walang datos na naipadadala ang mga instrumento sa Mayon Volcano.

Read more...