BF ni female singer parang asong laging nakabuntot

RAMDAM na ramdan na ngayon ng isang kilalang female singer ang malaking epekto sa kanyang career ng ginawa niyang kalokahan ilang buwan na ngayon ang nakararaan.

Maraming nawalang oportunidad sa kanya, may mga raket na siya sana ang nakalinyang kunin ng mga producers pero hindi natuloy, dahil baka magpairal na naman siya ng unprofessionalism.

Pagpansin ng isang source, “Saka siguro, e, napi-feel na rin niya ngayon na may umiiwas na sa kanya. Alam n’yo naman ang mga nanay ng ibang singers, ayaw naa-associate ang mga anak nila sa personality na nega!

“Hindi ba naman kasi nega nga ang female singer na talagang ni hindi gumagawa ng paraan para magkaayos sila ng family niya?

“Isang kaibigan nga niya ang nagsabi na nagpakabulag na siya sa pag-ibig, hindi na niya bina-balance ang buhay niya, nakatutok lang ang panahon and attention niya ngayon sa guy na nagpapaligaya sa kanya,” bitin na chika ng aming impormante.

Anino pala ng female singer ang kanyang boyfriend, palagi itong sumasama sa kanyang mga raket, kaya parang hindi ‘yun nagugustuhan ng mga nakakasama niya sa mga shows.

Patuloy na chika ng aming source, “Ang tanungan nga ngayon ng mga nakakakita sa kanilang magkasama, e, kung wala bang work ang guy?

“Kung meron, e, bakit palagi siyang nakabuntot sa girlfriend niya? Kung mapapansin n’yo, ang ibang performers, e, hindi nagsasama ng karelasyon nila sa mga raket nila.

“Nakakaagaw kasi ‘yun sa concentration ng singer, aalagaan pa niya ang boyfriend niya, instead na tumutok na lang siya sa trabaho niya, di ba? Pero ang girl, palaging kasama ang love niya!

“Ayun tuloy, ano ang nangyari sa kanya nu’ng minsan? Halatadong bumigay ang voice niya, pumiyok siya! Kasi nga, e, ang dami-daming nakakaagaw ng attention niya, napapabayaan na niya ang performance niya!” dagdag na kuwento pa ng aming impormante.

Wala nang clue, Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, kilalang-kilala n’yo na kung sino siya, huwag kayong magwo-walkout sa panghuhula, ha?

Read more...