TUMAAS ang presyo ng mga bilihin noong Enero, ayon sa Philippine Statistics Authority.
Naitala ito sa 2.9 porsyento, mas mataas sa 2.5 porsyento na naitala noong Disyembre 2019.
Pero mas mababa naman ito sa 4.4 porsyento na naitala noong Enero 2019.
Ang nagpataas sa inflation rate ay ang presyo ng bilihin at non-alcoholic beverages.
Sa National Capital Region, naitala ang 2.7 porsyentong inflation rate bumaba mula sa 2.8 porsyento noong Disyembre 2019.
Sa labas ng NCR ang average na inflation rate ay 3.0 porsyento, tumaas mula sa 2.4 porsyento na naitala sa huling buwan ng 2019.
Maliban sa Cordillera Administrative Region na nanatili ang inflation rate sa 2.8 porsyento, tumaas ang lahat ng rehiyon. Ang pinakamataas ay ang Bicol Region (Region V) na naitala sa 3.9 porsyento at ang pinakamababa naman ay ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao na naitala sa 1.0 porsyento.