Hindi kinilala ng pulisya ang dalawang matanda na na-suffocate umano kaya hindi na nakalabas ng kanilang bahay.
Hindi na nagtaas ng alarma sa sunog ang mga otoridad dahil mabilis nq naapula ng mga bumbero ang sunog bago pa kumalat.
Iniimbestgahan pa kung ano ang dahilan ng pagsiklab ng apoy.
Samantala, aabot sa 300 mga bahay ang natupok sa sunog na sumiklab sa Baseco Compound sa Tondo, Maynila kamakalawa ng gabi.
Nagsimula ang sunog bago mag-hatinggabi sa Block 15.
Umabot sa Task Force Bravo ang alarma ng sunog dahil sa mabilis na pagkalat ng apoy.
Ayon sa Manila Disaster Risk Reduction and Management Office, ala-1:50 ng madaling araw nang maideklarang under control na ang sunog.
Inaalam pa kung ano ang pinagmulan ng sunog at kung magkano ang halaga ng mga natupok na ari-arian.