Sharon sa mga kumakampi kay KC: Hindi dapat binibigyan ng kahihiyan ng anak ang magulang

NA-BAD trip na si Megastar Sharon Cuneta sa ilang fans ni KC Concepcion na walang-tigil na nambabastos sa kanya sa social media.

Tila napuno na ang singer-actress sa pamba-bash sa kanya ng mga netizens na nagtatanggol sa kanyang anak matapos kumalat ang chika na may matinding samaan ng loob ang mag-ina.

Inamin ni Mega sa kanyang Instagram followers na hindi sila “on speaking terms” ngayon ni KC at hanggang ngayon ay hindi pa rin sila nagkakausap nang masinsinan tungkol sa kanilang mga problema.

Mas lalo pang uminit ang issue nang mag-post si KC ng mga litrato at video nila ng amang si Gabby Concepcion na kuha nang magkita sila kamakailan. Kasunod nito, nag-post din si Sharon ng mga photo sa IG kasama ang mga anak na sina Miel at Frankie at nagsabing proud na proud siya na maging nanay ng mga ito.

Ilang netizen naman ang nagsabing ayaw tumigil ni Sharon sa pambu-bully kay KC kaya mas lalong lumalayo ang loob ng kanyang anak. May isa pa ngang tumawag sa kanya ng “toxic mom”.
Comment ni @itstherealaura, “I can’t blame KC if she distances herself from you even for a while. You’ve been a toxic mom lately. Hindi po lahat ng sama ng loob sa anak pino-post in public to read/know. Bigyan mo naman ng kahihiyan anak mo.”

Dugtong pa nito, “Sige ka, ‘pag lumayo naman loob ng mga anak mo kay Kiko, kay KC, ikaw ang may sala. Give yourself a break, tita!”

Sagot naman sa kanya ni Sharon, “@itstherealaura kaya nga ako nag-post kasi sinagot ko lang ang post niya. She hasn’t texted either. And believe me- you have NO IDEA what’s going on so huwag magmarunong.”

“BTW mas lalong ‘di dapat binibigyan ng kahihiyain ng anak ang magulang,” hirit pa ni Mega.

Niresbakan din niya ang isang netizen na may handle name na @highlands1553 na nagsabing, “You shouldn’t be surprised at the kind of relationship (?) you have with your eldest daughter KC (I think she’s still your daughter, no?)

“You weren’t around pretty much her growing up years because you were sleeping around with your leading men and not so ‘leading men.’ Your MOM, KC’s Lola, did a great job of raising her. If you don’t even like KC now, you should blame her upbringing on your Mom. But she turned out great so kudos to her Lola.”

Dumepensa si Sharon at nagsabing kaya hindi siya ang nagpalaki kay KC dahil kailangan niyang magtrabaho nang magtrabaho para sa future ng anak, “I worked to put food on our table because no one was helping me. My Mom (Elaine) and Dad (former Pasay mayor Pablo Cuneta) helped raise because I had to work.

“Parang mga OFW kahit ayaw lumayo sa anak nagtatrabaho. Nasaan siya ngayon kung ‘di ako nagtrabaho? And I didn’t depend on my Dad and Mom except to take care of her while I was breaking my back and having no sleep to prepare for her future.”

Hamon pa niya sa netizen, “You can’t stand me but you can’t leave me alone when you have no idea what’s going on. And you better thank God I’m not talking about what really happened. You and your fake accounts. Pabalik-balik ka lang. Get a job. Get a life.”

Read more...