APAT na miyembro ng PDP-Laban ang lumipat sa ibang partido kahapon.
Pero hindi mabibilang na kabawasan ito sa suportado kay Pangulong Duterte dahil sila ay lumipat sa National Unity Party na sumusuporta rin sa kanya.
Nanumpa kahapon sina House Deputy Speaker at Mandaluyong City Rep. Neptali Gonzales II, House Deputy Speaker at Laguna Rep. Dan Fernandez, House committee on social services chairman at La Union Rep. Sandra Eriquel at Cagayan de Oro Rep. Rolando Uy.
Sinabi ni Cavite Rep. Elpidio Barzaga Jr., pangulo ng NUP, na ang paglakas ng kanilang partido ay nangangahulugan ng mas mabilis na pagpasa ng mga panukalang batas na kailangan ng Duterte administration sa pagpapatakbo ng bansa.
“The NUP has always been aligned with the administration and the more members we have, the better the coordination in passing the priority measures of the President. We have several problems right now, among them, the Taal volcano eruption and the spread of novel coronavirus It would be easier to pass the priority legislation of President Duterte on these concerns if we have the numbers in Congress,” ani Barzaga.
Mayroon ng 49 district congressman at 12 partylist representatives ang NUP na nakaupo sa Kamara de Representantes sa kasalukuyan. Ito ang ikalawa sa pinakamalaking partido.
Ang anak ni Duterte na si Davao City Rep. Paolo Duterte ay honorary member ng NUP.
Nananatili namang pinakamaraming miyembro ang PDP-Laban na nasa 66.