Ate Vi hinihikayat si Dina na pasukin na rin ang politika

VILMA SANTOS AT DINA BONNEVIE

HINIHIKAYAT ni Lipa City Rep. Vilma Santos ang kapwa aktres na si Dina Bonnevie na pasukin na rin ang politika.

Ayon kay Ms. D, marami na ang nangungulit sa kanya na pasukin na rin ang public service tulad ng asawa niyang si Ilocos Sur 1st District Rep. Deogracias Victor “DV” Savellano.

Aniya, sa ayaw at sa gusto niya, talagang mapapasabak din siya sa mundo ng politika dahil sa kanyang mister. Sa katunayan, may mga programa rin si Dina para sa mga kababayan nila sa Ilocos Sur.

“Hindi ko dream na maging politician. I can’t say it’s not my world, kasi it’s already my world, whether I like it or not. Kasi I’m married to a politician.

“You have to talk to constituents, you have to give them projects, you have to give them kinabuhayan,” lahad ng aktres sa nakaraang presscon ng bago niyang teleserye sa GMA 7, ang Anak ni Waray vs Anak ni Biday.

Isa nga sa mga humihikayat sa kanya na tumakbo ay si Ate Vi na kasamahan ng kanyang mister sa kongreso, “Ate Vilma tells me, ‘Kaya mo ‘yan, kaya mo ‘yan. Ako nga, e, artista. Ngayon nakatawid ako. I became a politician.’ Sinasabi niya, ‘O, next time, ikaw naman dito, a.’

“Kasi congresswoman siya, so I see her sa Congress. ‘O, ikaw na next time. Classmate na tayo.’ Hindi natin masabi kung ano ang plano ng Panginoon, but if you’ll ask me, huwag na lang.

“Okay na yung isa na lang. Marami talagang nanghihikayat, ‘Ikaw na. Ikaw na kapag tapos na si DV.’ Bahala na si God. Sa totoo lang, hindi ko pa nai-imagine ang sarili ko na, ‘Iboto niyo ako.’ Ako, parang kingmaker lang ako, nasa likod lang ako. Pero ibang-iba ang mundo namin, e.

“Magulo kasi ang politics, e, kaya ako natatakot, especially in our town, magulo. Sabihin na natin, sana, kung ako ang masusunod, sana lahat ng taong ibinoboto sa posisyon ay dahil sa mga mabuting nagawa niya, dahil sa mabuting serbisyo niya, dahil sa mabuting pamamalakad, dahil sa mabuting pakikisama, o pagtulong sa kapwa.

“Pero hindi. Dahil sa pera. Pero aminin na natin, maraming nanalo dahil sa pera,” mahabang pahayag pa ni Dina.

“I just go with whatever His plans for me. Ngayon na naging Christian ako, I learned to lean on God. Parang, ‘God, use me how You want to use me.’ Parang, ‘Isinilang Mo ako sa mundo for a purpose. Let me serve that purpose,'” sey pa ng kontrabida ni Snooky Serna sa Anak ni Waray vs Anak ni Biday na napapanood gabi-gabi sa GMA Telebabad.

Read more...