Kris: Wag na nating idamay ang taong nakaburol na ang alaala

KRIS AQUINO

Nakiusap si Kris Aquino sa mga netizens na huwag nang intrigahin sina Herbert Bautista at Willie Revillame.

Inilarawan niyang “nakaburol na ang alaala” ni Bistek bilang isa sa mga lalaking naging bahagi ng kanyang buhay kaya huwag na itong isali pa sa usapan.

Hiling pa ni Kris, sana’y respetuhin din ng kanyang fans ang special friendship nila ni Willie na mahal na mahal ang kanyang mga anak na sina Bimby at Joshua, na “number 1” fan nga raw ng TV host-comedian.

Nag-react si Tetay sa ilang comments ng netizen sa video na kanyang ipinost sa Instagram kung saan makikita ang nakakaaliw na chikahan nila ng TV host-comedian. Ito yung dumalaw si Kris sa studio ng Wowowin at sa dressing room ng komedyante.

Komento ng isang netizen, “I like when you interviewed Willie sa yate nya! Sarap ng tawa mo dun. Haha! And compared to Herbert na hindi ka Kaya panindigan dahil andaming Hanash sa buhay— Wowowillie is way better noh! And for me OK ang narc-oc na Tao dhl perfectionist at tlgng may achievement sa life [sic].”

Ito ang reply sa kanya ni Tetay, “Both comments I’ll answer here- GGS is GANDANG GANDA sa SARILI… and wag na tayo mandamay ng mga taong nakaburol na ang alaala, okay?

“Willie & I can joke w/ each other the way we do because we know we’re friends & he knows my sons both like & respect him because he’s been kind to us simply because he’s our friend- so let’s not mess that up,” aniya pa.

Read more...