Sey mo Mega…Gabby super sweet kay KC: Nandito lang ako para sa ‘yo, my baby

SHARON CUNETA, GABBY CONCEPCION AT KC CONCEPCION

Pinusuan ng mga netizens ang video na ipinost ni Gabby Concepcion sa Instagram kung saan kasama niya ang anak na si KC Concepcion.

Ito’y sa gitna ng mga tsismis na may samaan ng loob sina KC at Sharon Cuneta na nag-ugat sa hindi pagpaparamdam ng dalaga kina Mega noong New Year at noong nakaraang birthday niya.

Makikita sa IG video ni Gabby ang bonding moments nila ni KC at may captio na, “I will always be here for you. I love you my baby. — Papa @itskcconcepcion #babygirl #papa #baby #love #priceless #bonding #fatheranddaughter #goodvibes.”

Marami ang natuwa sa sweet moments ng magtatay pero may nagpayo naman kay KC na sana’y mag-bonding na rin sila ni Sharon para hindi na ito magtampo sa kanya.

Read more...