Napa-“Oh, my God!” si Lovi Poe nang pumasok sa isang room sa Frazzled Cook resto last Monday night dahil sinalubong siya ng mga guests doon habang kumakanta ng “Happy birthday.”
Advance birthday greeting ito ng manager niyang si Leo Dominguez dahil sa Feb. 11 pa talaga ang kaarawan niya.
Present sa okasyon sina Dina Bonnevie, Albie Casino, directors Joel Lamangan, Jay Altarejos at Manny Valera.
Dumalo rin ang leading man niya sa Viva movie na “Hindi Tayo Puwede” na si Tony Labrusca, ang half sister niyang si Sen. Grace Poe at anak na si Bryan Llamanzares at marami pang iba.
Wala ang foreigner boyfriend niyang isang scientist na si Monty Blencowe pero siguradong magse-celebrate ang dalawa one of these days.
Dahil maayos ang lovelife at takbo ng showbiz career, ang birthday wish ni Lovi ay para sa bansang Pilipinas na sunud-sunod na binagyo ng kalamidad at health issues.
“I hope everything will be better this month of Feb-ibig,” saad ng Kapuso Primera Aktresa.