Female celeb naghihintay lang ng tiyempo para sa bagong pasabog

SA isang umpukan ay napagkuwentuhan ang naging kapalaran ng isang kilalang female personality at ng kanyang dating karelasyong male celebrity na kilala sa larangan nito.

Parang nasa babae kuno ang huling halakhak dahil balitang nagkahiwalay na ang lalaking personalidad at ang kinasama nito nang ilang taon.

Ano raw kaya ang magiging reaksiyon ng female personality? Magbigay kaya siya ng reaksiyon tungkol sa lovelife ng ama ng kanyang anak na nawasak?

Unang komento ng isang source sa umpukan, “Dalawang bagay ‘yun! Puwedeng maging deadma lang ang girl, as in, keber! Dahil hindi na siya affected, wala na siyang pakialam pa sa buhay ng father ng pinakamamahal niyang anak!

“Para ano pa nga naman? Napakatagal na panahon na nilang hiwalay, umabot pa nga sa korte ang hiwalayan nila, kaya bakit pa siya magpapaapekto?

“Mas magandang deadmahin na lang niya talaga ang issue dahil baka sabihin pa ng iba na mahal niya pa rin ang guy!” pahayag ng unang impormante.

Pinagtawanan ng tropa ang komento ng unang source, nagkakaisa sila sa pagsasabing ang lahat ay depende sa lagay ng panahon, kilalang-kilala ang babae sa pagiging padalus-dalos magdesisyon.

Sabi naman ng ikalawang source, “Naku, huwag kayong pakaasa na hindi siya magre-react, ‘no! Si girl pa? Kapag biglang tinopak ‘yun, e, siguradong maglalabas siya ng nobela sa social media!

“Mark my word, hindi siya makatitiis! Panigurado ‘yun! Humahanap lang ng magandang tiyempo ang girl, ‘yung wala siyang kasabay na issue, kailangang sa kanya lang nakatutok ang buong bayan!

“Hindi pa siya magsasalita ngayon, hindi pa ito ang tamang panahon. Kailangan munang mag-subside ang mga istoryang pinagpipistahan ngayon.

“Kailangang solo niya ang attention ng publiko, hindi siya makikisabay sa national issue, kilalang-kilala namin ang girl na ‘yun! Kailangang wala siyang kahati sa attention, sa totoo lang!” madiing komento naman ng ikalawang source.

Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, wala nang clue, hindi na kayo mauupo n’yan sa Row 4 na katabi ang mabahong basurahan!

Read more...