SUPER saya ang short video na ipinost ni Sylvia Sanchez which showed Maine Mendoza teaching Arjo Atayde’s lolas na magsayaw ng “Tala” dance.
“Yong ang saya lang ng monday morning ko na pinapanood ko ang pamilya ko, mamita pilar, gela at @marjso na tinuturuan ni maine mag tala lahat kami dito sa bahay.
“Coach @mainedcm thank you at pinasaya mo kaming lahat sa kakulitan mong mapag tala kami haha ang cute mo maine at mahal ka ng buong pamilya dahil sa kabutihan mo at higit sa lahat nabully mo napahalakhak at napagtala mo ang asawa ko. Hahahaha.”
‘Yan ang caption ni Sylvia sa IG video niya. Sobrang dami ang natuwa sa post niyang iyon. Nakaka-good vibes kasi ang pagtuturo ni Maine ng “Tala” dance.
“Kinikilig ako kay Maine at arjo. i love your family madam @sylviasanchez_a ang sweet ng mga anak nyo.”
“OMG, I was busy the whole day, ngaun ko lang nakita to! Thanks for sharing, Ms Sylvia, you have a wonderful fam, I was smiling the whole time, nakakahappy ang video at nakakakilig si Arjo and Maine, waaaahhh!!! Ang sarap mainlove! Salamat sa pagmamahal nyo kay Maine!”
“Awwwww, thank you Atayde family for loving our Maine. We love Arjo and the rest of the family too. God bless and may the love rise above all.”
Of course, may mga nagmaasim na fans at kung anu-ano ang pinagsasabi against Sylvia and Arjo.
Puwes, mamatay na lang kayo sa inggit!!!