Wacky, Kalad Karen naiyak sa sintunadong winner ng I Can See Your Voice

KALAD KAREN, HAZEN TALANA AT WACKY KIRAY

NAIYAK ang Kapamilya comedian na si Wacky Kiray sa episode ng I Can See Your Voice last Saturday sa ABS-CBN hosted by Luis Manzano.

Hindi kasi napigilan ng isa sa mga Sing-vestigators ng ICSYV ang maluha nang marinig ang kuwento ng huling contestant na napili ng celebrity guests na sina Sunshine Cruz at Vina Morales.

Si “Jake Kwenta” o Hazel Joy Talana ang napili nina Sunshine at Vina na maka-duet sa huling bahagi ng nangungunang mystery music game show sa bansa. Kinanta nila ang hit song ni Rey Valera na pinasikat din ni Megastar Sharon Cuneta, ang “Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko.”

Pero sa kasamaang-palad, isa palang Seen-tunado si Hazel na siyang nakakuha ng P25,000. Kuwento ng dalaga, talagang sumali siya sa I Can See Your Voice dahil kailangan nila ng pera para sa tuition fee ng kanyang mga kapatid.

“Sabi ko gagalingan ko talagang umakting kasi hindi naman talaga ako singer, kaya sobrang salamat po dahil ako ang napili. Sa mga kapatid ko, may pang-tuition na kayo nakagawa na ng paraan si ate,” lumuluhang sabi ni Hazel. Nang ipakita si Wacky sa camera ay umiiyak na rin ito at pati pala ang mga kapwa niya Sing-vestigators na sina Angeline Quinto at Kalad Karen ay napapaiyak na rin.

In fairness, hindi lang basta nagpapasabog ng good vibes ang ICSYV ni Luis talagang marami rin ang nai-inspire sa kuwento ng mga contestants kung bakit sila sumali sa laging trending at top-rating na mystery music game show sa Pilipinas na napapanood every Saturday night after Maalaala Mo Kaya.

Read more...