NAG-SHARE ng latest ganap si Bacoor City Mayor Lani Mercado sa bagong kasal na sina Vice Governor Jolo Revilla and beauty queen Angelica Alita.
Nakausap namin ang actress-politician sa thanksgiving lunch nila ni Sen. Bong Revilla for the entertainment press recently.
“Actually, na-surpass ni Jolo yung expectations namin. Kasi, pinabayaan namin silang dalawa. Sasabihin lang nila (sa akin), ‘Mama, kailangan ng ganito.’ ‘O, ‘yung bahay na titirhan natin,’ kasi hindi kami nag-rent. Pero lahat ng detalye sa wedding, sa kanila lahat yun. Lahat ng pagpaplano sila lahat yun,” pagmamalaki ni Mayor Lani kay Jolo.
Okey naman daw ang bagong kasal na kasalukuyang naninirahan sa bahay nila ni Sen. Bong kasama ang iba pa nilang mga anak, “Meron silang bini-build na negosyo. They’re also planning out now to build their own home.”
Feeling proud si Mayor Lani sa kanyang first daughter-in-law sa pagiging independent at mapagmahal sa pamilya
“Ano kasi si Angel, tumindig siya na parang nanay din ng pamilya niya. Kasi, siya lang ang babae. Tapos yung mother niya, hindi naman old, kasing-edad ko. Pero nu’ng mawala yung father medyo, doon lang siya (mother ni Angelica) Mindoro na nag-stay.
“But si Angel, opted to go out, may ambition siya, eh. Di ba naging beauty queen, naging model. Tapos she has brothers pa. Sila yung nasa wedding,” Lani added.
Hindi na raw pumunta sa wedding ang mother ni Angelica dahil mas komportable raw ang kanyang balae kung saan siya naroroon.
“Mas gusto niyang nasa comfort zone siya. Kaya after Christmas, lumipad sila (Jolo and Angelica) after nu’ng mga bagyo-bagyo. Yung Ursula, after that pumunta na sila sa Mindoro,” kuwento pa ng alkalde.
Pinag-isipan pa raw mabuti nina Jolo at Angelica kung saang lugar sila magtatayo ng bahay nila.
“They’re planning out to have their own house. Ganoon din naman kami ni Sen. Bong nu’ng bagong mag-asawa, we stayed first sa bahay ng mother-in-law and father-in-law ko. Tapos after three years, we had our own house.”
Maayos din naman daw ang relasyon ni Angelica sa mga anak nila sa bahay.
“Ay, wala namang problema, enjoy naman sila. We see each other, magkakasama ang family pag Sunday, kapag bumibisita kami kay Daddy (Ramon Revilla, Sr.). Nagre-reunion kami sa rancho ni Daddy,” lahad pa ni Mayor Lani.