Itinanggi ni Maja Salvador na nag-propose na sa kanya ang boyfriend na si Rambo Nuñez during their Christmas vacation sa Canada.
“I think kung masaya ako, e, mas masaya ang mother ko,” natatawang sabi ni Maja sa ginanap na fashion show ng ini-endorse niyang Guitar Apparel.
Mommy daw kasi niya talaga ang nag-request na isama niya sa Canada si Rambo. Kaya masayang-masaya ang Mommy niya.
“Nag-request ako kay Rambo at nag-thank you ako sa kanya na binigyan niya ng time at pinagbigyan niya ang Mommy ko. So, nakita ko na naman kung gaano kasaya ang nanay ko,” sey ni Maja.
Pero wala raw naganap na suutan ng engagement ring habang nasa Canada sila ni Rambo.
“Ah, wala. Huwag kayong maatat. Pero sasabihin ko sa inyo. Promise, oo naman. Sasabihin ko sa inyo,” paniniyak ni Maja.
Mukha namang tutuparin ni Maja ang pangako niya sa media. Say nga niya, this is the first time na umamin siya and very vocal sa kanyang relasyon in public.
“So, feeling ko namam, kung paano ninyo kami sinuportahan nu’ng umpisa, dapat kung magne-next level kami, dapat naming sabihin sa inyo,” nakangiti ng pagkatamis-tamis na sabi ni Maja.