![](https://bandera.inquirer.net/files/2020/02/RURU-AT-MAINE-0204.jpg)
RURU MADRID AT MAINE MENDOZA
PUNERARYA ang tila lokasyon nina Maine Mendoza at Ruru Madrid sa Twitter plug ng Magpakailanman kung saan nag-iimbita sila na panoorin ang pre-Valentine episode ng programa ngayong Sabado.
Sa pictures na nakita namin, creepy ang suot na damit ni Meng dahil all black ito, pati ang gamit niyang payong ay kulay itim din, huh! Tapos may kuha rin siya na parang nasa memorial park!
Second time na magtatambal nina Meng at Ruru after ng guesting ng Kapuso hottie sa sitcom na Daddy’s Gurl.
Aba, kung ganito ang konsepto ng istorya nila sa #MPK, kakaibang love story na naman itong gagawin nina Meng at Ruru.
As of this writing, wala pang ibang detalyeng ibinigay sa amin tungkol sa upcoming episode ng weekly drama anthology ni Mel Tiangco pero isa na naman itong “wish granted” para sa mga fans ni Maine na matagal nang nagre-request na i-guest ang Dubsmash Queen sa #MPK.