Artista, writers at production people seryoso sa reporma

MUKHANG seryoso ang mga artista, director at production people na repormahin ang buong showbiz industry matapos ang investigation ng Kamara sa pagkamatay ng beteranong aktor na si Eddie Garcia habang nasa shooting noong nakaraang taon.
Dumalo sina Rez Cortez, Bembol Roco, Toto Natividad, Aiza Seguerra, Congressmen Vilma Santos at Alfred Vargas at iba pang artista, director, writer at mga production staff sa imbestigasyon ng House committee on labor and employment sa pagkamatay ni Manoy.
Bilang isa sa mga resource person ng naturang investigation, masaya ang mga artista na nabigyan na ng pansin ang napakaraming problema at pang aabuso sa mga manggagawa sa showbiz industry lalo na ang mga extra, stuntmen, at production people.
Bukod sa unsafe and unhealthy ang mga location ng mga shooting kagaya ng nangyari kay Manoy, napakahabang panahon na talamak din pala ang hindi tamang pasahod, walang bayad na mahabang waiting time, walang sapat na tulugan, kulang ang pagkain at tubig sa set, kulang sa tulog at pahinga, walang first aid o gamot etc..
Madalas sagot din ng mga bit players, extras, at bit players ang kanilang pamasahe papuntang location.
Wala rin silang social protection benefits gaya ng SSS, Pagibig at Philhealth.
Napaiyak na lamang si Aiza habang nagte-testify sa committee.
Susundan ang hearing ng sunod-sunod na technical working group meetings upang himayin ang batas na magre reporma sa showbiz industry.
Nag-commit naman ang mga artista na tutulong sa paggawa ng batas. Senyales na ba ito na seryoso na ang reporma sa showbiz industry? Abangan natin ‘yan!
***
May nais ba kayong sabihin o itanong, mag-email sa inquirerbandera2016@gmail.com o mag-text sa 09989558253.

Read more...