Alden, Bea magkasama sa Thailand; magtatambal sa pelikula?

ALDEN RICHARDS AT BEA ALONZO

After Kathryn Bernardo, si Bea Alonzo na nga ba ang susunod na leading lady sa movie ni Alden Richards?

Kumalat ang litrato nina Alden at Bea sa social media na kuha sa Suvarnabhumi Airport sa Thailand. Wala pang lumalabas na detalye kung magsasama nga sa isang project ang dalawa pero na-excite agad ang kanilang fans nang makita silang magkasama.

Sa isang interview, sinabi ni Alden na pangarap din niyang makatrabaho si Bea. Nagkita na raw sila ng aktres noong 2018 nang mag-perform sila sa Sinulog Festival sa Cebu.

“Kasi nag-meet kami before sa airport on our way sa Sinulog festival. Tapos nagkamustahan, kasi the last time we saw each other ay sa party noong stylist namin kasama si Idan (John Lloyd Cruz).

Sabi ko sana magkaroon ng chance na maka-work ko siya in a movie or in any project. We’ll see,” aniya.

Gumawa ng kasaysayan ang unang movie niya sa Star Cinema kasama si Kathryn, ang blockbuster hit na “Hello, Love, Goodbye”.

Read more...