Oral health care na dapat mong malaman

MAY katabi ka ba na medyo hindi maganda ang hininga?

O baka naman sariling hininga mo lang ang naaamoy mo. Alam mo ba na mahalaga rin ang oral health?

Nakataya kasi riyan ang personalidad mo. Paano ka magugustuhan ni crush kung paglapit mo sa kanya ay muntik siyang himatayin. Paano na kung maga-aplay ka ng trabaho?

Ang galing mo nga, muntik naman masuka yung employer na tatanggap sana sa iyo. At dahil oral health month din ang Pebrero, narito ang ilang tips para mapanatiling healthy ang iyong bibig.

1. Uminom ng fluoridated water at magsipilyo gamit ang fluoride toothpaste.

2. Magsipilyo nang maigi at gumamit ng floss sa iyong ngipin.

3. Regular na bumisita sa iyong dentista.

4. Huwag nang manigarilyo o gumamit ng anumang uri ng tobacco products.

5. Limitahan ang pag-inom ng alcohol.

6. Kung may panunuyo ng bibig, uminom ng maraming tubig, ngumuya ng sugarless gum.

7. Magpatingin sa doktor o dentista kung makaramdam ng biglaang pagbabago sa iyong panlasa.

8. Iwasan ang masyadong spicy na pagkain.

Read more...