K Brosas ‘nausog’ version ni Ivana Alawi: Grabeeee!

AGREE ba kayo na parang magsisteraka ang singer-comedienne na si K Brosas at sexy actress-vlogger na si Ivana Alawi?

Ilang netizens ang nagkomento sa litrato ni K sa Instagram kung saan makikita ang kanyang kaseksihan matapos umahon sa swimming pool. May caption itong, “Nakapag recharge, refresh, relax, spa overhaul etc.. thank you Lord! Lablablab! #nofilter [three hearts, praying hands emojis].”

Isa sa mga nag-comment sa IG photo ng komedyana ay ang dating TV host na si Janelle Jamer at sinabi nga nitong, “Nakikita ko talaga si Ivana sayo.”

Dahil dito, na-curious si K kung sino nga ba si Ivana kaya sinilip niya ang IG account nito at na-shock talaga siya nang makita ang sexy actress. Aniya, “Ang dami nga nagsasabi hihi, kaya na curious ako At check ko IG nya.. grabeeeee naman ang ganda At ang sexy nya syet!”

Hirit pa ni K, “Pero Sige ako na yung haggard o nausog version ni ivana lol! Thanks pa din [face with stuck-out tongue and winking eye, smiling face with smiling eyes, smiling eyes with open mouth and cold sweat emojis].”

Parehong may dugong foreigner sina K at Ivana, may lahing Amerikana si K, habang Moroccan naman ang tatay ni Ivana.

Read more...