READY nang sumabak sa mas mature at daring na project ang Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards.
Ngayong 2020, mas gusto ng Pambansang Bae ang mga proyektong mas matsa-challenge siya lalo na pagdating sa mga roles. Nais niyang mas mag-level up pa ang kanyang acting career.
“Medyo iba na po yung path na kukunin natin. And I’m opening doors for other experiences as well. So kung may mga mao-offer naman pong projects na kapag maganda naman yung material at medyo malaki ang demand to be more mature in a role siyempre I would consider it,” ani Alden sa isang panayam.
Natanong ang binata sa isang event kung paano niya ia-assess ang naging journey niya noong 2019, “Last year po sobrang dami pong dumating na blessings and opportunities sa akin. Hindi po nawala yon.”
Kabilang sa mga bonggang achievement ng aktor last year ay ang blockbuster at record-breaking movie niyang “Hello, Love, Goodbye” kasama si Kathryn Bernardo mula sa Star Cinema. Ito ngayon ang may hawak ng record bilang highest grossing Filipino film of all time.
“I have very good people behind my back to give me advice kung ano yung mga magandang kunin and mga dapat hindi kunin for now. Ang daming learnings nu’ng 2019, siyempre hardships, mga trials.
“What keeps me going is the people who are behind my back, my supporters, my fans, my family and of course the people that encourages me that I can do more and be better with the craft that I’m doing now.
“And with 2020 sana ganu’n pa rin. I’m not expecting anything pero I will work hard for 2020, harder than in 2019,” aniya pa.
Siyempre, abot-langit din ang pasasalamat ni Alden sa tagumpay ng primetime series niyang The Gift na malapit nang magtapos. Huling linggo na ng serye sa GMA Telebabad at ayon kay Alden, napakarami pang dapat abangan ang viewers.
Tutukan ang mga eksenang siguradong muling magpapaiyak sa inyong lahat, lalo na ang makadurog-pusong drama scenes nina Alden, Jo Berry, Jean Garcia at Elizabeth Oropesa.
Abangan n’yo rin kung ano ang naghihintay na ending sa abot-impiyernong kasamaan nina Javier (Christian Vasquez) at Francine (Rochelle Pangilinan). Kaya huwag nang bibitiw sa huling linggo ng The Gift after Anak Ni Waray Vs Anak Ni Biday.