KC magbabalik-showbiz, handa na bang makatambal uli si Piolo?

PIOLO PASCUAL AT KC CONCEPCION

NASA Cornerstone na rin pala si KC Concepcion base sa Facebook page ng talent management na pag-aari ni Erickson Raymundo.

Ang caption sa litratong ipinost ng Cornerstone, “Glad to have our long time friend KC Concepcion as part of our ever growing family. Welcome to Cornerstone Entertainment Inc. @itskcconcepcion!!!”

Matagal na kasi dapat pumirma si KC sa Cornerstone pero nagkakaroon ng aberya dahil sa rami ng commitment niya noon tulad ng pagiging abala bilang National Ambassador Against Hunger for UNICEF’s World Food Program simula 2008.

Nag-aral pa ng Gemology sa New York City, USA ang dalaga para sa kanyang jewelry business.

Marahil ay hindi na gaanong busy ngayon si KC kaya naisip niyang balikan na ang showbiz at sana sa pagkakataong ito ay magdire-diretso na siya at sana’y magkaroon nga sila uli ng project ni Piolo Pascual tutal mukhang friends na sila uli after mag-break ilang taon na ang nakararaan.

Read more...