KOREAN word of the week: “Sileo” – sa Ingles, ito ay nangangahulugang “I hate you.” Sa atin naman ay, “Kinasusuklaman kita” o “Galit na galit ako sa ‘yo.”
* * *
Kumpirmado nang magsasama sa upcoming K-drama na “Convenience Store Saet Byul” ang Korean superstar na si Ji Chang Wook at ang magaling na aktres na si Kim Yoo Jung.
Hango ang “Convenience Store Saet Byul” sa isang webtoon na may kaparehas na title.
Ito ang unang pagkakataong magsasama si Chang Wook at Yoo Jung, ang babaeng bida sa hit historical drama na “Love in the Moonlight” with Park Bo Gum.
Ang “Convenience Store Saet Byul” ay tungkol sa pilyang part-timer na si Jung Saet Byul (Yoo Jung) at sa kanyang gwapo ngunit medyo mali-maling manager na si Choi Dae Hyun (Chang Wook) sa isang 24-hour convenience store.
Si Choi Dae Hyun ay naging convenience store owner kahit medyo bata pa matapos niyang iwan ang kanyang trabaho sa isang malaking kumpanya.
Dito niya nakilala si Jung Saet Byul, isang taong determinadong iwan ang kanyang nakaraan at magsimulang muli bilang isang babaeng handang lumaban para sa hustisya.
Ang dramang ito ay ididirek ni Lee Myung Woo, ang producing director (PD) na nasa likod rin ng 2019 hit na “The Fiery Priest.”
Mapapanood ang “Convenience Store Saet Byul” sa second half ng 2020.
Nakilala si Ji Chang Wook sa historical drama na Empress Ki (2013-2014).