MAKALIPAS ang ilang taon, muling mapapanood ang Shinhwa member at Korean heartthrob na si Eric Mun sa bagong drama series na “Yoo Byul Na! Chef Moon.”
Makakatambal niya rito ang “Perfume” actress na si Go Won Hee.
Ang “Yoo Byul Na! Chef Moon” ay isang romantic comedy series tungkol sa pagmamahalan ng world-famous fashion designer na si Yoo Yoo Jin (Won Hee) at star chef na si Moon Seung Mo (Eric).
Nang dahil sa isang aksidente ay nawala ang memorya ni Yoo Yoo Jin na naging dahilan upang maging clumsy at quirky siya.
Pagkatapos ng aksidente ay nagpunta siya sa countryside at dito na niya nakilala sa Moon Seung Ho.
Si Moon Seung Ho naman ay ang nag-iisang anak ng sikat na Korean gukbap (rice with soup) restaurant owner. Isa rin siyang star chef aktibong nagpo-promote ng Korean food sa mundo.
Sa dramang ito ay muling maipamamalas ni Eric ang kanyang talent sa pagluluto na kanyang unang naipakita nang siya ay lumabas sa Korean reality cooking show na “Three Meals a Day.”
Mapapanood na ang Yoo Byul Na! Chef Moon sa Marso.