THREE years nang magdyowa sina Ronnie Alonte at Loisa Andalio.
Ayon sa tambalang LoiNie, isa sa mga rason kung bakit tumagal sila ng tatlong taon ay dahil sa pagiging totoo nila sa isa’t isa.
Ito rin daw marahil ang kaibahan nila sa ibang loveteam ngayon sa showbiz.
“Sa totoo lang po, totoo kami. Kami po yung mag-loveteam na totoong magdyowa!” pahayag ni Ronnie sa nakaraang presscon ng launching movie nila ni Loisa, ang “James & Pat & Dave” mula sa Star Cinema.
“Pero siguro po, yung pagiging totoo namin, pagiging kalog namin, walang kahalu-halong harang. Lahat, out kami.
“Hindi namin itinatago kung ano man ang meron sa amin. At saka, yun siguro, kapag nagtrabaho kami, talagang trabaho talaga,” lahad ng binata.
“Yung mga loveteam kasi noon, hindi pa sila magkarelasyon noong pinag-work sila, noong nagkatrabaho sila.
“So kami, ang pagkakaiba po namin, noong binigyan kami, kami na,” pagpapatuloy ng aktor.
In fairness, may sariling style ang magka-loveteam sa pag-atake sa kanilang role sa “James & Pat & Dave”.
Naging madali na lang ba sa kanila na gawin ang movie dahil nga totoong magdyowa na sila?
“Siguro po, depende. Depende naman po iyan kung paano mo trinabaho.
“Una, mahirap naman pong talaga, kasi kami nga. Paano mo maaano yung story na hindi naman kami?
“Gusto kong i-share sa inyo yung story na kapag nagsu-shooting po kami, pagkadating na pagkadating namin sa set, never ko ho siyang pinansin.
“Never ko ho siyang kinausap o nilambing. Kasi ayokong mabaling ang isip ko na kami, lalo na yung eksena namin na hindi pa naman kami.
“Para sa akin, yun ang ginawa ko para maibigay yung dapat na hinihingi ni Direk. Iyun po,” paliwanag ni Ronnie na muli ngang gaganap na James Raymundo, ang lalaking hindi pinili ng karakter ni Julia sa part 1.
“Dito ipakikita yung naging buhay ni James after ng heart break niya sa first movie. Yun ang dapat abangan ng madlang pipol at kung ano ang magiging love story nila ni Pat Reyes (Loisa),” sey pa ni Ronnie.
Ang “James & Pat & Dave” ng LoiNie ang Valentine offering ng Star Cinema na mapapanood na sa mga sinehan nationwide simula sa Feb. 12. This is a coming of age story na sequel to the romantic comedy movie na “Vince & Kath & James” (2016) na pinagbidahan nina Ronnie, Julia Barretto at Joshua Garcia.
Ito’y sa direksyon ni Theodore Boborol at kasama rin sina Donny Pangilinan, Awra Briguela, Myrtle Sarossa, Bobby Andrews, Isay Alvarez, Odette Khan at marami pang iba.