Iya ginulat si Drew; buo na ang kanilang Baby No. 3                

BUNTIS uli ang Kapuso TV host-actress na si Iya Villania sa ikatlong anak nila ni Drew Arellano.

Ito ang ibinandera ng Kapuso couple sa kanilang latest vlog entry na kuha noong magbakasyon sila sa Australia nitong nagdaang holiday season.

Ang nasabing video na naka-post sa YouTube channel ng Arellano family ay may caption na, “It was supposed to be the usual opening of gifts on Christmas morning with the Villania Family in Australia but little did PAPADU know what surprise was in store for him! Best Christmas gift yet!”

Sa isang bahagi ng video ay mapapanood ang pagbubukas nila ng mga regalo kasama ang iba pang miyembro ng kanilang pamilya.

 At nu’ng turn na ni Drew na buksan ang gift sa kanya ni Iya, tumambad sa kanya ang isang sonogram with matching letter na may nakasulat na, “Love, ready for baby #3? Merry Christmas! Love, Mrs. A.”

Kitang-kita ang pagkabigla ng Kapuso host habang pinipigil ang pag-iyak. Pati ang kanilang mga kaanak ay nasorpresa sa pasabog ni Iya.

Maririnig sa video ang comment ng mommy ni Iya na sana’y baby girl na ang ipinagbubuntis ng kanyang anak.

Pero sabi ni Iya, kung siya ang masusunod ayaw niya na munang magkaroon ng gender reveal para surprise na sinang-ayunan naman ni Drew. Dalawa na ang anak ng Kapuso couple, sina Primo at Leon.

Read more...