Coney sa lovelife ni Vico: Ipinagdarasal yan, may hinahanda sa kanya si Lord

CONEY REYES AT VICO SOTTO

“Hindi kasi ako tsismosa, e!” Ito ang sagot ng award-winning veteran actress na si Coney Reyes nang matanong tungkol sa lovelife ng kanyang anak na si Pasig City Mayor Vico Sotto.

Sa nakaraang presscon ng bago niyang serye sa GMA 7, ang Love Of My Life, sinabi ni Coney na naniniwala siyang matatagpuan din ni Vico ang babaeng itinadhana sa kanya.

Kung matatandaan, na-link si Mayor Vico sa Kapamilya TV host na si Gretchen Ho nang makita silang magkasama sa isang volleyball game sa Pasig.

Sabi ni Coney, hindi na naman niya kailangang itanong sa anak kung may girlfriend na ito, “Kasi alam ko, kung meron talaga, sasabihin ng anak ko. Hindi ko kailangang magtanong.

“Yung mga anak ko, magsasabi ‘yon. So, kapag walang sinasabi, e di wala,” aniya pa.

Hindi rin naman daw niya pine-pressure si Vico na magkaroon ng lovelife, “Lahat ‘yan pinagpe-pray. We don’t have to be anxious about anything.

“But with everything, like prayer and petition with thanksgiving, present your request to God and He will guard your heart and mind with peace that transcends all understanding until the day of Jesus Christ.

“So, I’m not anxious about that because I know that God is preparing him and preparing somebody.

“Ang sinasabi ko lang, protect and preserve the person. Kailangan kasi yung talagang…alam mong yung taong yun na ang gusto ni Lord para sa kanya at saka swak talaga,” pahayag pa ni Coney Reyes na gaganap na kontrabida sa upcoming Kapuso drama na Love Of My Life sa GMA Telebabad.

Makakasama niya rito sina Rhian Ramos, Carla Abellana, Tom Rodriguez at Mikael Daez.   

Read more...