Dimples: Sagot sa mga dasal ko ang ‘Kadenang Ginto’

DIMPLES ROMANA

Naging emotional si Dimples Romana sa finale presscon ng Kadenang Ginto.

“Nagpapasalamat ako sa Diyos dahil ang Kadenang Ginto ay isang malaking sagot sa mga dasal ko. Naalala ko, bago i-offer sa akin ang Kadenang Ginto, ang dasal ko talaga, ‘Lord kung saan mo ako dadalhin ay susunod lang ako sa ‘yo.’ Ay ganoon pala ‘yun. Kapag nagsabi ka ay iaayon niya kaya napakalaki pong pasasalamat na may mga bago akong kapatid,” she said habang naiiyak na.

“Alam mo nag-ubos na ako (ng luha) sa bahay, eh. Siguro ano lang, sobra-sobrang pasasalamat sa inyo lalo na sa Dreamscape, kina sir Deo Endrinal sa paulit-ulit na tiwala. Ang Kadenang Ginto ay binubuo ng isang malaking pamilya. Sobrang na-bless po kami dito hindi lang ng outside blessing kundi ng buong family,” dagdag niya.

Tama si Dimples, sobrang malaking blessing ang pagkaka-cast sa kanya sa number one afternoon soap. Sumikat nang husto ang kanyang Daniela Mondragon character, nagkaroon siya ng napakaraming memes at dahil doon ay nagsunud-sunod ang kanyang endorsements.

Read more...