BINASAG-BASAG si Kiray Celis ng isang basher sa Instagram.
Apparently, hindi nagustuhan ng basher ang madalas na pagpo-post ni Kiray ng photos niya kasama ang non-showbiz boyfriend. Madalas kasi ay post nang post ang komedyana, feeling proud sa kanyang dyowa na in fairness ay guwapo naman talaga.
“Hinay-hinay lang sa pag upload ng pic with your BF. Baka kasi pag naghiwalay kayo e mapuyat ka kabubura sa pic niyo,” say ng basher.
Of course, Kiray did not take it sitting down. Sinagot niya ang basher.
“Mapupuyat kakahintay kung maghihiwalay kami. Kung ayaw mo ng mga post ko, unfollow po is the key. Wag bitter. Darating din yung magmamahal sa’yo. Pag dumating yun, baka mas marami ka pang post sa akin,” say ni Kiray sa basher.
“Ui inferness di mo pala ako pina follow. Dami mo namang time magsearch sa taong di mo pinafollow para mangbash. God bless you atiiii!” dagdag pa niya.
Kiray’s fans defended the comedienne.
“Ehh ano naman kung magpost ng pic. May problema ba dun? Lalo’t artista naman. Inggit lang siguro! Hahaha!”
“Favorite ko yan si Kiray noon pa man kaya masaya ako na may bf sya at dasal ko na sana FOREVER ang relasyon nila! LUV U KIRAY.”
“Walang love life yun Kiray kaya ganon ka harsh ang sinabi nya o kaya ampalaya ang laging ulam non. just enjoy being in love and being loved by someone u love. Even if there is a lot of ampalaya looking at you.”