Hulaan kung magkano ang wedding gown ni Megan?

MEGAN YOUNG AT MIKAEL DAEZ

KNOWS n’yo ba ang presyo ng isinuot na wedding dress ni Miss World 2013 Megan Young sa unang kasal nila ni Mikael Daez na ginanap sa Caleruega?

Sa mga litrato na ipinost ng Kapuso star sa Instagram, makikita ang suot niyang simple pero eleganteng white asymmetric puff-sleeved dress.

Mula pala ito sa clothing brand ma Zoo Label na nagkakahalaga lang ng P3,590! Ito’y isang Baja silk dress na bukod sa white ay meron ding black, emerald at maroon.
“features an asymmetric puffy sleeve with garter on cuff and a wrap-around tulip skirt with tie front detail in an effortlessly chic silky fabric,” ayon pa sa description na nakasaad sa website ng Zoo Label.

Ipinost pa ng nasabing brand ang wedding photo ng Kapuso couple na may caption na, “What a wonderful surprise, Megan wearing the Baja silk dress on her wedding day. Congratulations to the newlyweds. We’re such fans of your travel vlogs.”

 

Read more...