Alden kakaririn na ang lovelife ngayong 2020; sino kaya ang maswerteng babae?

ALDEN RICHARDS

Gagaan na ang schedule sa trabaho this year ni Alden Richards dahil after ng series niyang The Gift ay ang bago niyang show na Centerstage at All Out Sundays na lang ang ookupa sa kalendaryo niya.

Kaya naman sa isang interview, nagsabi siyang bibigyan naman niya ng atensyon ang kanyang personal life, lalo na ang kanyang lovelife.

Siyempre, wala nang ka-loveteam ngayon si Alden so malaya na siyang pumili ng babaeng makakasundo niya para maging girlfriend, huh!

Bukod sa pagiging award winning actor, accomplished businessman na rin siya ngayon so wala na siyang dapat alalahanin pa kung ang kanyang career ang pag-uusapan.

Kumbaga, nasa kanya na ang lahat ngayom para maging successful din sa pakikipagrelasyon.

It’s about time na naman talaga para maging masaya siya pagdating sa lovelife. Matagal-tagal na rin siyang single at puro trabaho ang iniintindi dahil nga nais muna niyang siguruhin ang future niya at ng kanyang pamilya.

“Siguro ngayon naman, parang time naman para sa sarili ko. Siguro, to find a partner, sooner. Ito na yung time. This is the time.

“Darating din yan. Kasi baka kapag ipilit naman natin, baka parang tayong kumain ng kanin na nakakapaso. Ayaw ko naman po na maging ganu’n yung mga magiging relationships ko. I’m giving it time this year. ‘Yun po ang sigurado,” aniya sa isang panayam.

Sino naman kaya ang masuwerteng babae na magiging “forever” ng Asia’s Multiemdia Star?

Read more...