NAPASARAP ang higa si Martin del Rosario habang nakahimlay sa loob ng kabaong para sa isang eksenang kinunan sa nalalapit na pagtatapos ng Kapuso series na The Gift.
Eh, habang natutulog, wala siyang kaalam-alam na nagpapalitrato na pala sina Jean Garcia, Christian Vasquez, Rochelle Pangilinan at Ysabel Ortega na siya ang nasa background, huh!
Ibinahagi ni Jean sa kanyang Instagram account ang group picture nila kung saan nga makikita si Martin na natutulog sa loob ng coffin.
“The Marcelino’s strikes again! Sarap ng tulog ni Jares ha?!!!! #martindelrosario,” caption ni Jean sa nasabing IG photo.
Jared ang name ng character ni Martin sa The Gift at sila Jean, Christian at Ysabel ang bumubuo ng Marcelino family.
Dalawang linggo na lang mapapanood sa GMA Telebabad ang The Gift kaya huwag na huwag kayong bibitiw dahil siguradong ikagugulat n’yo ang finale episode nito.