Julia harapang inisnab si Joshua; premiere night ng ‘Block Z’ matensiyon

JULIA BARRETTO AT JOSHUA GARCIA

HALATANG-HALATA ang tensyon na namamagitan sa dating magsyota na sina Joshua Garcia at Julia Barretto sa premiere night ng action-horror film na “Block Z” last Monday.

Hindi na namin nakunan ang eksena nu’ng pagdating nila sa red carpet at pag-akyat sa stage na sinet-up sa lobby ng SM Megamall cinemas. But according sa isang blogger, obvious daw ang “pag-iwas” ni Julia kay Joshua habang nasa stage at sa huli, iniwan pa ni Julia ang aktor.

Then, sa loob ng sinehan ay nakunan din namin ng video ang dalawa habang hinahanap ang upuan nila bago mag-umpisa ang screening. Nauna si Joshua na makapasok sa aisle ng mga upuan at nakita agad ang kanyang seat.

Maya-maya pa ay pumasok na rin sa aisle ng mga upuan si Julia kasunod ng isa pa sa cast ng “Block Z” na si Maris Racal.

Dinaanan lang niya si Joshua at ni hindi tumingin kahit pa inalok na ng aktor ang bakanteng upuan kasabay ang pag-alalay sa kanya.

Samantala, todo-suporta naman kay Julia sa premiere night ang kanyang equally-controversial mom na si Marjorie Barretto and the rest of her family members.

In fairness, may gulat factor, scary din at mae-excite ka talaga habang pinapanood ang “Block Z.” Kulang na lang pati ang audience ay mapatakbo palabas ng sinehan sa takot na baka may biglang lumitaw na zombie.

Say ng ibang bloggers, kung ipinalabas daw ang “Block Z” nu’ng last Metro Manila Film Festival ay baka ito pa ang tinanghal na top grosser. Sabeee?

* * *

At dahil isa sa favorite directors namin ngayon ang batang direktor na si Mikhail Red kaya ‘di namin pinalampas ang premiere night ng latest film niya from Star Cinema, ang “Block Z” na palabas na ngayon sa mga sinehan.

We cannot afford to miss “Block Z” kasi nga after nito, e, baka matagalan pa bago makapanood ulit kami ng kasunod na local film ni Direk Mik.

Sa huli naming panayam sa kanya, malapit na o baka umpisahan na niyang gawin ang isang serye niya na ipalalabas sa HBO. Isa sa mga pangarap ni Direk Mik na makapagdirek ng proyekto sa ibang bansa. At dahil serye ‘yun, mukhang doon muna siya mananatili ng ilang buwan.

But at the same time, may binanggit siya sa amin na may isa siyang Pinoy film na gagawin and he commissioned the award-winning scriptwriter na si Ricky Lee para isulat ang script.

It’s about the Luneta/Manila Siege kung saan na-hostage pati ilang tourists sa loob ng isang bus na ipinarada sa harap ng Quirino Grandstand sa Luneta.

Read more...