Hiling ni Melai kay Duterte: Bigyan ng chance ang ABS-CBN

MELAI CANTIVEROS

SA Marso 30 na mapapaso ang prangkisa ng ABS-CBN. Pero ngayon pa lang ay kumakalat na ang online petition para ma-renew ang kanilang franchise for another 25 years.

Isa sa mga lumagda sa online petition ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) ang “Magandana Buhay” host na si Melai Cantiveros.

Knows ni Momshie Melai na importante sa kanya bilang Kapamilya ang ma-renew ang prangkisa ng ABS-CBN.

“For me talaga, doon ako nagtatrabho sa aking mother network, importante talaga sa akin na ma-renew siya, kasi siyempre doon ako kumukuha ng pangkabuhayan ko araw-araw,” lahad ni Melai.

Pero anuman daw ang maging resulta ng franchise renewal ng Dos, wala siyang magagawa kundi tanggapin ito.

Nagawa na ring manawagan ni Melai kay Pangulong Rodrigo Duterte na sana ay bigyan pa ng chance na ma-renew ang prangkisa ng Kapamilya network.

Bukod kay Melai, lumagda rin sa online petition ang kasama niyang host sa “Magandang Buhay” na si Momshie Karla Estrada.

Read more...