Edward Barber: Wala nang pwedeng umagaw kay Maymay, nasa akin na siya…

MAYMAY ENTRATA AT EDWARD BARBER

KINILIG ang MayWard fans sa hugot lines nina Maymay Entrata at Edward Barber sa kanilang Gandang Gabi, Vice guesting.

Naglaro kasi ang dalawa sa Hilomansi segment ng Sunday show ni Vice Ganda.

When Vice asked Maymay kung sino bukod kay Edward ang gusto niyang makalaro, ito ang sagot ng aktres: “Kayo. Hindi ko kasi siya (Edward) kayang paglaruan, eh.”

Naghiyawan ang fans sa loob ng studio. When Vice asked Edward naman, “So, talu-talo na kayo ni Maymay?” isang hugot din ang pinakawalan ng actor.

“Competitive kasi ako, eh. That’s why I won her (Maymay) heart kasi competitive ako,” he said. Naku, mas lalong naghiyawan ang fans sa studio.

“Kayo na?” Vice asked Edward. “Ay hindi. Parang pagdating sa basketball may point na sobrang taas na ng point ng team mo. Hindi na makakabawi ang kabilang team. So, walang aagaw sa kanya. No one can get her from me. Sana,” sagot ni Edward.

What followed was a thunderous applause from the audience. Grabe pala kiligin ang MayWard fans.

Read more...