INIHANDA talaga ni Mikael Daez ang sarili para sa mediacon ng bago niyang Kapuso series na Love Of My Life.
Alam niyang siya ang pagkakaguluhan ng media dahil sa pagputok ng balitang kasal na sila ng girlfriend na si Megan Young.
Bago ang mediacon, nakausap namin ang aktor at tinanong kung masarap ba ang buhay may-asawa.
“Masarap!” bulalas ni Mikael. Pero itinanggi niyang inilihim nila ni Megan sa publiko ang kanilang wedding.
Dagdag niya, wala namang magbabago sa relasyon nila ni Megan ngayong kasal na sila, “I think the way I love her now doesn’t change just because we got married.
“Hindi naman puwedeng kapag nagpakasal tayo, super charged na ‘yung lambing ko sa ‘yo. Bakit du’n lang? Bakit hindi ngayon? Di ba? All-in na agad and that’s how we’ve been naman. That’s why I say there’s no change. It’s literally a label,” aniya.
Anyway, makakasama niya sa Love Of My Life ang real lovers na sina Carla Abellana at Tom Rodriguez na nagsabing “next in line” na rin sila ng kanyang girlfriend sa usaping pagpapakasal.
Ka-join din sa upcoming primetime series ng GMA sina Rhian Ramos at Coney. Mapapanood na ito simula sa Feb. 3 kapalit ng One Of The Baes.