Sheryn sa sablay ni Morissette: Kung ako yun, dapat mag-sorry

MAY mga nayabangan sa reaction ni Sheryn Regis sa pag-fail ni Morissette Amon sa pagbirit sa last part ng kanyang performance recently.

“Gusto ko lagi akong handa, minsan ganu’n hindi natin ma-avoid, singers, ‘di perfect ang performances. Pero ‘pag may nangyari na ganon, what will I do? You have to ask for apology, responsibilidad mo ‘yon. Your job is to entertain and also your responsibility,” she said in a recent interview.

“Actually, lagi kong pina-practice, hindi ko agad-agad binibirit on the spot, hindi ako ganu’n. Baka maputol litid ko baka kung ano mangyari sa akin. Ang masasabi ko siguro hindi lang siya ready that time, at pagod siya.

“Kasi minsan ang singers may time talaga, at ‘pag lagi mo ibibirit boses mo, pagod ka talaga. Kung ako, hindi ko ibibirit kung alam kong hindi ko kaya,” say niya.

May mga nainis sa sinabing iyon ni Sheryn.

“Sa YouTube dami rin nya sablay, pati mga kilalang singer sana di sya nagsasalita ng ganyan baka bigla maranasan nya ano sasabihin nya sa mga tao ganung parati pala sya prepared at nagmamalaki na d pa nangyari sa kanya.”

“Lahat ng singers sa buong mundo, international man or hindi sumablay na. Kasi ang vocal chords ng tao hindi yan speaker. Pumapalya din paminsan minsan. Kahit nga ang speaker sumusuko eh.”

Read more...