SINIBAK ng Office of the Ombudsman ang tatlong opisyal ng Bureau of Customs kaugnay ng pagbebenta umano ng Good Conduct Time Allowance para agad na makalaya ang isang preso sa New Bilibid Prison.
Sina Inmate Documents and Processing Section Officer-In-Charge Ramoncito Roque, Senior Inspector Maria Belinda Bansil at Corrections Officer Veronica Buño ay sasampahan din ng kasong directly bribery at graft.
Ayon sa Ombudsman guilty ang tatlo sa kasong administratibong grave misconduct at conduct prejudicial to the best interest of the service na ang parusa ay pagkasibak sa serbisyo, pagkumpiska sa retirement benefits, kanselasyon ng eligibility sa gobyerno at pinagbabawalan na muling bumalik sa serbisyo.
Ang kaso ay kaugnay ng paghingi umano ng P50,000 kay Yolanda Camilon para sa maagang paglaya ng kanyang live-in partner sa pamamagitan ng GCTA.
“Camilon’s lone testimony, given in a straightforward manner, pitted against respondents’ denials and conflicting statements in their counter-affidavits, is sufficient to establish probable cause for direct bribery against Roque, Bansil and Buño,” saad ng desisyon.
Itinanggi ng mga akusado ang akusasyon laban sa kanila subalit hindi ito binigyan ng diin ng Ombudsman.
“Respondent’s defenses are untenable and deserve scant consideration. Their bare denial cannot prevail over Camilon’s positive and straightforward testimonies…”