NAKAKAGALIT nga naman ang litrato na isang Chinese ang dumumi sa isang bakanteng paso sa makasaysayang Intramuros.
Mabilis na kumalat ang litrato sa social media at pare-parehong pagkadismaya ang naramdaman ang nakakita. Malinaw naman na pambababoy ito.
Kahit nga si Manila Mayor Isko Moreno ay nagalit at inutusan ang Manila Police District Special Mayor’s Reaction Team na hanapin at hulihin ang gumawa nito.
Remember si Mayor Isko ay nakaapak ng et-chas habang nagsasagawa ng inspeksyon sa Andres Bonifacio Shrine sa Lawton noong unang bahagi ng termino. Sinibak pa nga niya ang hepe ng Lawton Police station.
Hindi naman kasi tama na hayaan ang dumudumi sa pampublikong lugar. Tsaka may mga sakit na pwedeng kumalat mula sa dumi ng tao gaya ng polio na nagbabalik sa bansa makalipas ang ilang taon ng zero case.
Pero sa gitna ng ngit-ngit ng mga Pinoy sa nag-viral na Chinese ebak photo ay nasalita ang Intramuros Administration. Pinapuntahan nila ang lugar kung saan sinasabing umebak ang Chinese pero walang nakitang dumi doon.
Hinahanap na rin ng IA ang unang nag-post ng litrato upang malaman ang mga detalye ng insidente.
Ang dapat din umanong ginawa ng kumuha ng litrato ay tinawag ang atensyon ng guwardya upang mahuli ang Chinese. May mga lokal na batas na nagbabawal sa pag-ihi at pagdumi sa pampublikong lugar.
Nang magsalita ang IA may mga nag-isip tuloy kung totoo ba ang litrato o drawing lang ito.
Pwede naman kasi na hindi talaga dumumi ang kinuhanan ng litrato at pumuwesto lang ito para sa photo ops.
Tsaka pwede rin naman na hindi Chinese ang nasa litrato lalo at hindi naman malapit ang pagkakakuha sa litrato.
Tapos kumalat ang litrato sa kasagsagan pa ng usapin kaugnay ng pagnanais ni Pangulong Duterte na ibasura ang Visiting Forces Agreement ng bansa sa Estados Unidos.
Hindi naman first time na mayroong nais na sumakay sa isyu ng China. Last year ay mayroong mga kumalat na litrato kaugnay ng pagbebenta ng Chinese flag sa Luneta bago ang ating Independence Day celebration.
Nakuhanan ng CCTV ang pagbibigay ng tatlong lalaki ng mga Chinese flag sa mga vendor upang palabasin na ibinebenta ito. Ang litrato ng pagbebenta ng Chinese flag ay kumalat sa social media.
Noong 2018 naman may mga nagkalat na banner at nakasulat doon “Welcome to the Philippines, Province of China”.
Palagay nyo mga katropa, drawing kaya ang pagdumi ng Chinese sa Intramuros?
Sentimyento kontra China
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...