Sharon naloko na naman sa pera: Ipagdarasal kong kunin na lang ako ni Lord…

SHARON CUNETA

NALOKO na naman ba si Sharon Cuneta sa pera?

Sa bagong post ng Megastar sa kanyang Facebook account, ito ang kanyang hugot, “My Mommy used to say: ‘You lose your money, you lose a lot. You lose your friends, you lose more. You lose your name, you lose everything.’

“Now I add: ‘If you lose your name over money, you’re worse. If you lose your name over the money of someone who loved, trusted, and protected you, you are the worst.’ God please help me to forgive. Such a betrayal.

“The kind na ayaw mo makapatay, pero kung wala akong asawa at mga anak, idadasal ko na lang kunin na ako ng Panginoon sa sakit. And this, btw, is not an employee or a co-worker. And this is hopefully the last time I will have to vent and post about this,” lahad pa ng singer-actress.

Matatandaang nag-rant si Sharon ilang taon na ang nakararaan nang maloko siya tungkol sa mga pinagbentahan niya ng property.

At ngayon ay usaping pera na naman ang binabanggit ng Megastar na hindi niya empleyado at katrabaho, kaya malamang close friend o kaanak ang involved?

Umabot na sa 96 shares ang post na ito ni Sharon at may 267 positive comments, karamihan sa kanila ay pinapayuhan siyang ipagpasa-Diyos na lang ang lahat tutal blessed naman siya sa maraming bagay.

 

Read more...