NA-HURT ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez sa pamba-bash ng ilang netizens dahil lang sa maling spelling niya sa pangalan ng basketball superstar na si Kobe Bryant.
Grabe ang panglalait na ginawa sa kanya ng mga haters kaya inamin niya sa madlang pipol na talagang naapektuhan at nasaktan siya sa mga nabasa niyang comments.
Isa si Regine sa mga local celebrities na na-shock sa biglang pagkamatay ni Kobe Bryant last Monday matapos mag-crash ang sinasakyan nitong helicopter sa California.
Bukod sa NBA legend, namatay din ang kanyang 13-year-old daughter na si Gianna Bryant, at pitong iba pa. Iniimbestigahan na kung ano ang tunay na dahilan ng pagbagsak ng helicopter.
Sa kanyang Instagram account, nag-post si Regine ng litrato ni Kobe na nakasuot ng dilaw na Lakers jersey na may caption na, “Sad day [crying face emoji]. #RIPKobe.”
Pero ayon nga sa ilang netizens, ang unang inilagay ng Songbird sa caption ay “RIPCoby” sa halip na #RIPKobe.
Matapos ma-bash, nag-tweet agad si Regine at umamin sa kanyang pagkakamali. Aniya, madalas talaga siyang magkamali sa pag-i-spell ng mga pangalan ng tao.
Aniya pa, tanggap niya ang kanyang pagkakamali pero huwag naman sana siyang ipahiya, “I always make a mistake with spelling someone name you can correct me without embarrassing me and it’s ok. I have dyslexia I have a hard time with spelling. Please be kind again you can correct me without making me feel bad.”
Isa sa mga nagtanggol kay Regine ay ang kaibigan niyang si Jaya, “I also don’t get how people can just criticise as if the incorrect spelling will affect their lives and careers [worried emoji] you might be dyslexic but God has blessed you so much that He made you conquer the world with your talent.
“Don’t worry about others Mare. Know that YOU ARE LOVED! [Latin cross emoji],” dagdag pa ni Jaya.
Sagot naman sa kanya ni Regine, “Thank you mare. Struggle talaga sya mare and I’m always embarrassed by it.”