HOROSCOPE August 04, 2013

Para sa may kaarawan ngayon: Linggo ngayon! Simulan ang araw sa pagsisimba. Sa ganyang paraan may sopresang matatanggap, na lkagalak ng iyong puso. Isang nakakikilig na regalo mula sa kasuyong Aries. Sa pinansayal tuloy ang agos ng pera papalabas, – magtipid!  Mapalad ang 5, 8, 28, 36, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Om-Vasudeva.” Red at lilac ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19) – Ikonseidera ang damdamin ng iba, hindi yong puro sarili mo lang ang iyong iniintindi. Sa pinansyal at pag-ibig, kapag marunong kang gumalang sa karapatan ng iba, mas mabilis kang uunlad at liligaya. Mapalad ang 4, 13, 22, 31, 40 at 48, Mahiwaga mong mantra: “Om-Dhipana-Ghopalago.” Pink at green ang buenas.
 Taurus – (April 20-May 20) – Hanggat malakas ang kita mag-ipon ka na para sa future. Wag ng hintayin uling masimot ang pera. Tandaang kapag marami kang savings magkakaroon ka ng security at peace of mind. Mapalad ang 3, 12, 21, 30, 42 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Harem-Aum.” Red at white ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21) – Kapag nabigyang laya na maipatupad ang laman ng isipin, kakaibang imbensyon ang matutuklasan. Sa pinansyal, yayaman ka sa pamamagitan ng unconventional at kakaibang paraan. Sa pag-ibig, nasasabik na ang kasuyo sa bagong istilo ng romansa. Mapalad ang 5, 9, 24, 34, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra:  “Baba-Nam-Ke-Balam”. Silver at maroon ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22) –  Hindi dapat magpa-impluwensiya sa gusto ng iba. Ipakita at ipatupad ang sarili mong pasya. Sa pag-ibig, manatiling tapat sa minamahal. Sa pinansiyal, pagkakataon mo ng sumugal sa mga produktong may kaugnayan sa grocery at pagkain. Mapalad ang 5, 7, 19, 26, 38 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Tatha-Yantra-Sakra.” Pink at green ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22) – Magiging mapalad ang araw na ito kung magsusuot ng dilaw. Sa kulay na dilaw makakatangap ka ng dagdag na salapi at masarap na romansa. Mapalad ang 1, 10, 27, 34, 42 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Egosum-Obre-Om.” Bukod sa dilaw ang green ay buenas.
 Virgo – (August 23 – September 22) –  May kakaibang lakas at sigla na kukubabaw sayo. Gamitin ito sa pagkakaperahan at pamomolitika. Sa pag-ibig mamayang gabi kakaibang ligaya na naman ang maipagkakaloob mo sa kasuyong Taurus.  Mapalad ang 5, 8, 28, 36, 45 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Sha-Ri-Gama-Om.” Red at blue ang buenas.
Libra – (September 23-October 23) –   Wag makisawsaw sa usapan na iba, may babala na dahil sa pakiki-alam sa buhay ng iba, mapapa-away ka na naman. Sa pinansyal at pag-ibig, imbis na atupagin ang pakikipag-tsismisan, ang asikasuhin ay ang sariling pamilya. Mapalad ang 3, 9, 13, 22, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Jagat-Guro-Dema-Om.” Yellow at pink ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21) –    Panahon na upang makilahok ka sa politika. Sa susunod pang mga buwan, araming salapi ang pawawalan ng mga kandidato sa Baragay election, isa ka sa dapat makinabang.  Sa pag-ibig, anoman ang iyong mapakinabang partihan ang kasuyong Cancer. Mapalad ang 8, 14, 16, 25, 30 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Abra-Ka-Dab-Bra.” Green at lilac ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21) – Wag guluhin ang isipan sa mga suliraning hindi pa naman dumarating. Kapag may peace of mind, mas masarap na romansa ang mararanasan. Mapalad ang 3, 9, 21, 31, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Kesar-Kapor-Om.” Blue at silver ang buenas.
 Capricorn – (December 22 – January 19) –    Wag ng maghanap ng kung ano-anong bagay, makuntento ka na sa kasalukuyang minamahal. Sa pinansiyal, mag-invest sa mga produktong may kaugnayan sa butil at pagkain. Mapalad ang 4, 17, 18, 28, 33, at 42. Mahiwagang mantra: “Graha-Dosya-Jawala.”  Red at green ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18) –  Tanggapin ang alok ng isang kaibigang Virgo. Malaki ang maitutulong nya upang mapawi na ang iyong pag-aalala at labis na kalungkutan. Sa pinansiyal, asahan ng aangat ang graph ng pag-unlad sa buwang ito ng Agosto. Mapalad ang 5, 8, 23, 36, 45 at 47. Mahiwag mong mantra: “Doysa-Om-Rama.” White at orange ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20) –  Hindi tama ang puro plano at pangarap lang, ang mas mahalaga magawa mong ipatupad  ang iyong mga ideya upang yumaman ka. Sa pag-ibig, ayain sa isang tahimik at romantikong lugar ang kasuyo.  Mapalad ang 7, 16, 25, 30, 42 at 43. Mahiwagang mong mantra: “Agla-Aum-Aum-Aum”. Magenta at violet ang buenas.

Read more...