Sulat mula kay Kristina, ng Barangay Dadiangas East, General Santos City
Problema:
1. Minsan lang akong nagka-boyfriend at sa umpisa pa lang ay nakutuban oo na hindi patungo sa seryoso ang relasyon kaya isang bawan pa lang kami ay nagkahiwalay na. Ngayon, mahigit isang taon na akong walang boyfriend.
2. Heto, papalapit na naman ang mahalagang araw sa buhay ko, tila magiging malungkot ako sa araw na dapat ay nagsasaya ako. Gusto kong malaman kung magkaka-boyfriend ba ako bago sumapit ang mahalagang araw na ito nang sa gayon ay hindi ako luluha.
Umaasa,
Kristina, ng Barangay Dadiangas East, General Santos City
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Numerology:
Ang birth date mo ay nagsasabing, isang lalaking isinilang sa petsang 3, 12, 21, o kaya’y 30 ang magiging boyfriend mo. At dahil compatible ang birth date mong 6 at birthdate niyang 3, 12, 21 o kaya’y 30, magiging sweet at romantic ang relasyon ninyo.
Luscher Color Test:
Upang mas madaling matupad ang nasabing pag-aanalisa ng iyong kapalaran, pagpasok na pagpasok ng ikatlong linggo, magsuot ka agad ng kulay violet, asul o kaya’y pula, puwede rin ang pink. Sa ganyang kulay ng damit, sigurado na ang magaganap – magaka-boyfriend ka ngayong papalapit na ang mahalagang araw mo, at ang nasabing relasyon ay magiging maligaya.
Huling payo at paalala:
Kristina, ayon sa iyong kapalaran, matutupad na rin sa wakas ang malaon mong wish, sa pagsapit ng mahalagang araw, darating isang lalaking may initial na A.B. ang magiging boyfriend mo, at ang lalaki na ring ito ang magpapaligaya sa iyo.
Instant BF (2)
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...