Sikat na male star sobrang taas ng tf, wala namang kwentang performer

KUNG pagiging sumpungin pala ang pag-uusapan ay maraming show promoters ang nagkakaisa sa pagsasabing wala nang kakabog pa sa isang pamosong male personality.

Malaki ang kanyang talent fee, palagi siyang hinihingi ng mga okasyon, pero nagdadalawang-isip na ngayon ang mga show promoters na kunin ang kanyang serbisyo dahil isa siyang malaking sakit ng ulo.

Kuwento ng isang source na nakaranas ng pagiging sumpungin ng kilalang male personality, “Naku, kahit pa siguro tawasin ako ngayon, e, never ko nang kukunin ang taong ‘yun! Mahirap siyang dalhin, mabigat, dahil marami siyang kaartehan!

“Kung sana, e, barya-barya lang ang talent fee niya! Kung sana, e, maliit lang ang kinikita niya! Juice colored! Pang-apat na personalities nang sikat din ang ibinabayad namin sa kanya!

“Mahal na nga ang TF niya, e, pahirapan pa siyang pakisamahan!” unang chika ng aming source na nakaranas ng kaartehan ng kilalang male personality.

Sikat siya, kinakikiligan ng mga milenyal, bukod du’n ay bulag lang ang magsasabing hindi guwapo ang male personality.

Patuloy ng aming impormante, “Totoong-totoo namang siya ang isa sa mga inire-request sa mga okasyon at maging sa fiesta sa malalayong probinsiya. Pero sobrang taas ng TF niya, kaya ‘yung may malalaking pondo lang talaga ang nakaka-afford na makakuha sa kanya.

“Pero ang pahirap talaga, e, kapag nandu’n na siya. Hindi kasi siya kumikibo, tumitingin-tingin lang siya, hindi mo tuloy alam kung ano ba ang gusto niya.

“Tanungin mo siya kung ano ang gusto niya, iiling lang siya. Bigyan mo siya ng food or drinks, ayaw niya naman. Puro iling lang ang ginagawa niya!

“Kahit nga ang PA niya, e, nahihirapan sa kanya, kasi nga, wala rin silang communication! Saan ka naman makakakita ng ganu’n sa kanya na kahit ang mismong alalay niya na, e, hindi kinakausap ng artista?

“Ang phone lang niya ang friend niya, laro lang siya nang laro. Minsan naman, e, may kinakausap siya. Palaging ganu’n lang siya!

“Pambulag lang niya talaga ang kaguwapuhan niya, pero performance wise, parang sayang lang ang talent fee na sinisingil ng management agency niya!

“Hindi naman siya kagalingang sumayaw, kapag kumanta naman siya, e, parang sarili lang niya ang nakakaintindi ng song niya!

“Naku, never again! Ayoko na sa kulay na red! Ibang kulay na lang ang pipiliin ko!” nakataas ang kilay na pagtatapos ng aming source.

Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, alam na this! Type n’yo rin ba ang red?

Read more...